Sa panahon ngayon, mahirap na talagang magtiwala sa kahit kaninong tao, maging kakilala mo pa ito o hindi. Sapagkat ang pahamak ay unpredictable. Sex trafficking, nakakatakot ngunit maperang negosyo. Kapag nagpaloko ka, pasensyahan nalang.
Ang sakit isipin na maraming mga katulad nating mga babae ang nabibiktima ng mga sindikatong grupo na ito. Na kung magbenta ng babae ang parang nagbibenta lamang ng manok sa palengke.
Masakit din isipin na ang ang babae ay ikinumpara sa isang manok na patok na patok sa palengke. Sapagkat ang laman nito ang pinakahahangad ng mga lalaking manyak. Hindi lamang nationwide but worldwide, iyon ang sabi ng mga nag pepresenta sa film viewing natin noong huling linggo. Kawawa talaga iyong mga taong nakaranas ng sex trafficking ngunit maswerte parin sila dahil nakaligtas sila sa mga kamay ng sindikato.
Karamihan kasi, ang madali kasing nabibiktima ng grupong ito ay iyong nakatira sa mga malalayong probinsya, na walang kaalam-alam sa buhay siyudad. Napaka- inosente kasi ng mga babaeng nagmumula sa probinsya. Habang naglalaaway naman sa preskuhan ng mga babae ang mga manyakis.
Hindi kasi nila iniisip kung ano ang mga kapahamakang mangyari sa labas o sa abroad. May iba kasing makarinig lang sa salitang abroad, akala’y mayaman kana. ‘Yan ang problema. Kaya kung ikaw may planong mag- abroad,tiyakin mo muna ang kasiguraduhan bago mag desisyon, para hindi ka magsisi sa huli.
MONETTE CALAMBA
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento